my playlist

Monday, October 4, 2010

Buhay Pag-ibig ng Isang Bakla

                                                   "Buhay Pag-ibig ng Isang Bakla"
                                                         ni Rey Robert R. Guinto



Pag-ibig?Haaay...Pag-ibig..Pag-ibig...Pag-ibig...Kapag narinig ng naman ang salitang pag ibig, napakadaming pumapasok sa ating isipan. Iba't ibang uri ng pag ibig ang nabubuo dahil sa iba't ibang uri ng tao at sa dahil sa iba't ibang uri ng karanasan.Ako? Ano ba ang karanasan ko sa pag-ibig na hinding hindi ko malilimutan. Karansan ng mga third sex na katulad ko.



Sadyang mahirap ang kalagayan ng mga third sex na katulad ko pag usaping pag-ibig.Bakit? Nasabi ko ito dahil sa sarili kong karanasan, karanasan na nag bigay ng sakit sa aking kalooban ngunit nag bigay ng aral sa aking puso't isipan.

Naramdaman ko ang lahat ng ito ng ako'y malapit ng magtapos ng sekondarya. Nahulog ang loob ko sa isa kong kaklase na kapwa ko lalaki. Nang minsan ko siyang maka-text,nag lakas loob akong sabihin sa kanya ang tunay kong nararamdaman para sa kanya.Wala siyang naging reakyon sa mga sinabi ko. Bakit nga naman mag rereact pa sya eh pareho kaming lalaki. Napag isip-isip ko nalang na siguro ay natatawa na lang siya sa mga sinabi ko. Nagsisi ako kung bakit sinabi ko pa iyon sapagkat ang dati naming samahan
bilang magkaibigan ay nawala. Hindi lang nawala kung hindi ay nag dulot ng iwasan, ilangan, o sadyang wala ng pansinan. Nagulat nalang ako ng siya ay mag text sa akin makalipas ang ang ilang araw noong inamin ko ang tunay kong nararamdaman sa kanya. Sabi niya sa text, "Diba,mayroon kang gusto sa akin? Gusto mo maging tayo?". At ako naman, tuwang-tuwa at kilig na kilig sa text niyang iyon. Nagmamadali kong sinagot na "oo naman". At sabi niya, "Oh edi tayo na ahh!". Simula nang araw na iyon, kami ay naging magka relasyon.
 Relasyon na kaming dalawa lang ang nakaka-alam sapagkat hindi tanggap sa ating lipunan ang ganoong uri ng relasyon at tingining masagwa sa nakakadami. Masakit sa akin pag nakaka-kita ako ng isang mag karelasyon na tunay na nagmamahalan at walang anumang itinatago sa kanilang dalawa. Ngunit higit na mas masakit sa lahat ay nang malaman ko na pera lang ang habol niya sa akin.. Nalaman ko ito dahil sa isa kong kaibigan. Masyadong kontrobersyal at masakit ang mga bagay na pinaalam niya sa akin kung kaya't napili ko nalang itago ang lahat ng ito sa aking sarili. Naniwala ako sa mga sinabi ng aking kaibigan sapagkat mayroon siyang
 ebidensya na naipakita sa akin.Nirecord niya sa cellphone ang lahat ng kanilang pinag usapan. Binalak niya itong gawin dahil nararamdaman niya na hindi ako totoong mahal ng aking ka relasyon. May malasakit siya sa akin dahil nga siya ay kaibigan kong totoo. Ito ang mga bagay na sinabi kong karanasan na nag bigay ng sakit sa aking kalooban ngunit nag bigay ng aral sa aking puso't isipan. Aral na dadalhin ko habang buhay.

Mahirap talagang makahanap ng tunay na magmamahal sa aming mga third sex. Minsan na nga lang magmahal ay nasasaktan pa. Bakit nga naman ba kami mga bobo  na hindi nanatuto sa isang bagay na minsan ng nagkamali at nasktan. Dahil ba ito sa umaasa kaming may darating na magmamahal sa amin ng tunay o dahil ba ang nais nalang namin ay ang ikaliligaya ng aming mga puso ngunit ikasasakit ng aming isipan dahil pawang puro kasinungalingan lang ang nasa likod nito.


Pag naramdaman ko na ang isang bagay na nag dulot ng sakit sa akin ay kaylanmang hindi ko na uulitin. Nang matapos ang nagyaring iyon, binigay ko nalang ang aking oras at pansin sa aking pamilya, pag aaral at higit sa lahat, sa ating Mahal na Panginoon na siyang nag bigay ng tunay na pagmamahal sa atin simula nang tayo ay nasa sinapupunanan pa lamang nang ating magulang.


                           “make the mistakes of yesterday your lessons for today”

1 comment:

  1. KAKALUNGKOT TALAGA ANG BUHAY NATIN... NASAAN BA ANG PAG-IBIG NA INILAAN PARA SA ATIN...

    ReplyDelete