ni Anna Marie Angeles
“Ano? Grabe naman siya ang landi landi naman niya. Hindi na siya naawa sa tao.” Iyan ang linya na kadalasan ay nasasabi ko. Madalas na naisusumbat ko sa ibang tao o masasabing gusto kong iparating sakanila. Sa mga taong nangangaliwa o nagtwotwo-time, sa mga taong hindi marunong makuntento sa iisang minamahal. Sa mga taong nagagawang makipagrelasyon pa sa mga may karelasyon na o sa mga taong mahilig kumabet. Ewan ko ba at kung bakit mahilig ako manumbat sa mga taong nagkakaisyu ng ganito, mahilig akong umusisa sa mga taong may ganitong eksperyensiya. Natutuwa ako na nakakinig ng mga ganitong klaseng isyu na kadalasan namang humahantong sa mga masasamang salita ang nabibitawan ko. Mga masasamang pagtingin sa mga dumaranas nito. Madalas akong maggalinggalingan na tipong naiisip ko na ang tanga tanga naman ng taong gumagawa o pumapasok sa mga ganitong problema. Pero sa totoo lang galit na galit at inis na inis ako sa mga katulad nila. Ngunit sa pagdaan ng panahon nabago iyon.
Ang pagpasok sa isang relasyon na alam natin na masama at bawal ay nagbibigay lamang ng problema sa atin. Aware tayo doon ngunit bakit nga ba tayo pumapasok sa sitwasyong iyon? Lagi iyang tumatakbo sa aking isipan simula noong ako ay high school pa. Sa dami ng aking naexperience sa pag-ibig, sa mga kabiguan at saya marami na akong natutunan, feeling ko expert na ako at kaya ko ng panghawakan ang buhay pag-ibig ko. Prente ako na kahit masaktan ako ay hindi iyon magiging suliranin sa akin, feeling ko mahahandle ko na ng maayos ang mga bagay-bagay, http://www.blogger.com/pakiramdam ko ay magiging happy ending na ang buhay pag-ibig ko.
Ng nagdaan ang mga panahon marami sa aking mga kaibigan ang nakaranas sa mga matitinding problema sa pag-ibig, bilang kabataan parte na iyan ng ating buhay. Isa ako sa una nilang tinatakbuhan dahil nga daw sa magaling akong mag-advise at marami akong karanasan. Lahat naman ng naipayo ko ay naging epektibo at naging tama. Ang daling magpayo ang daling magbitaw ng mga salita, madaling piliin ang tama sa mali. Ang daling isipin ng mga bagay bagay. Bilang hinihingan nila ng tulong marami akong nalaman sa pag-ibig. Minsan may mga pinapayuhan tayo na di sumusunod at dumadaan parin sa mga maling gawi na kadalasan ay nasasabihan at nahuhusgahan ko ng mga masasakit na salita. Mga salitang nakakayurak ng pagkatao. Minsan naiisip ko na bakit ang sama sama nila, bakit nila nagagawang manloko? Bakit hindi sila matutong makuntento?Bakit? Bakit? Dahil sa mga katanungan na ito namulat ako sa mga bagay na tama at kasiya siya para sa iba.
Pumasok ako sa relasyon na tinatawag na rebound. Ako ang tipong babae na hindi nagkakagusto sa mga lalaking nagkakagusto sa akin. Ayoko ng nililigawan at ayoko ng nagpapaasa. Gusto ko ako ang mamimili ng mamahalin ko, gusto ko ako ang gumawa ng first move. Nasanay ako sa ganyang gawi dahil halos lahat ng mga nagugustuhan ko ay aking nakakamit. Hanggang sa makamit ko nga ang relasyong rebound. Rebound kasi parang naging tagasapo ako sa isang broken hearted na tao, rebound kasi para akong naging isang panakip butas. Hindi ko inaasahan na magugustuhan ko siya dahil sa apat na taon na naming magkaklase ay hindi naman siya nagkaroon ng malaking impact sa akin. Hindi ko siya napapansin noon, hindi kasi siya sikat, hindi rin siya gwapo sakto lang siya. May nililigawan kasi siyang klasmeyt din namin at kapangalan ko pa, sila ang naging usap usapan sa room. Tumagal ang ligawan at inabot na nga ng hanggang kami ay mag 4th year na hanggang sa tuluyan na siyang binalewala at nireject. Para sa akin napakasakit noon sa part ng lalaki dahil sa loob ng halos apat na taon ay wala siyang napala. Sumama ang tingin ko sa babaeng iyon dahil nagpaasa lang siya, sinaktan niya ang kalooban ng iba at maraming nagalit sa kanya at naging usap usapan sa paaralan. Hanggang sa sumulpot ako at nagkamabutihan kami ng lalaking aking binabanggit. Tinutukso na siya ng mga kaibigan niya sa akin, nagkakatext narin kami at nagkukulitan. Hanggang sa isang araw dinala niya ang bag ko noong kami ay pauwi at ewan ko bigla ko na lang siyang minahal ng ganoon kabilis. Ako kasi yung tipong pag tinutukso mabilis akong mahulog. At ng nagtagal pa araw araw na kaming magkatext at sabay ng umuuwi. Sweet kami sa isa't isa kahit walang commitment.
Masaya ako sa nangyayari ng nagkaroon ng malaking problema, problemang nagdulot ng pag-agos ng mga luha ko. Ang una ay an pagbabalik ng dati niyang nililigawan at ang panliligaw ng mga kaibigan niya sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit nangyayari iyon pero pinaglaban parin namin yung nararamdaman namin sa isa't isa at isang araw tinanong nalang niya ko sa text ng “Can you be mine?” at bigla na lamang akong sumagot ng “Ofcourse why not.”.At doon nagsimula ang pagtakbo ng relasyon namin na patago bawal kasi ako magboypren, sabi ng mga magulang ko pagaaral daw muna. Hanggang sa grumaduate na kami at nagkalayo ay patuloy at naging masaya ang relasyon namin. Minsan nagkakaroon ng tampuhan ngunit madali itong naayos. Akala ko ay kami na talaga may mga parte pa nga ng buhay ko na minsan napapaisip ako na gusto ko ng ikasal sa kaniya. Naiimagine ko at plinapplano ko na ang magiging kasal namin. Dumating din yung part na sinabi ko sakaniya na pag ng18 na ako ay magpakasal na kami ng patago. Ganoon ko siya kamahal at ganoon naging healthy ang relasyon namin. Sinasabi nga nila na almost perfect na at pati ako ay sinasabi ko iyon. Nandoon kasi ang pagtitiwala namin at pagiging tapat sa isa't-isa. Nagusap kasi kami na pag college na namin magiging open kami sa isat-isa walang lihiman kahit mga crushes ay dapat sabihin. Nagtagal ang aming relasyon at naging masaya naman iyon kahit magkalayo kami. Siya ay nag-aaral sa Maynila kung saan maraming tukso at ako ay dito sa Bulacan. Naging isang pagsubok ito sa amin kung paano namin mahahandle ng maayos ang aming relasyon. At naging okay naman iyon ng biglang may sumulpot na talaga namang kagwapuhang lalaki. Noong una wala siyang epek sa akin isa lamang niyang pacute na boarder na walang ginawa kundi ang tumambay sa labas at humitit ng sigarilyo. Di nagtagal nagkagusto ako sa kanya at sinabi ko agad iyon sa aking boypren, walang reaksiyon ang boypren ko normal lang dahil dati pa naman ako nagsasabi sa kanya ng mga crush ko. Komportable na siya na di naman ako papatol sa iba dahil alam niyang kami na talaga. Sa isip isip ko noon ay ganoon din, na hindi ako mafafall sa gwapong mabisyong boarder na iyon. Ngunit sa di inaasahan at sa araw araw na nakikita ko siya ay unti-unti akong nahuhulog sa kaniya hanggang sa malaman kong may gusto rin pala siya sa akin. Alam kong mali na nakikipagclose ako sakanya ngunit di ko mapigil ang aking sarili ganoon talaga siguro ang pakiramdam pag nakikita mo ang pagmamahal sa iba lalo't malapit siya. Gulong-gulo na ako dahil mahal ko na siya at mahal ko din ang boypren ko. Hindi ko alam kung saan ako dapat lumugar kung sino dapat ang piliin ko. Isang gulo ang pinasok ko na alam ko sa sarili ko na hindi tama. Pero ano pa nga ba magagawa ko e hindi ako makawala sa maling pag-ibig na iyon. At naisip ko na lamang na isa na pala ako sa mga babaeng kinaiinisan ko noon, sa mga baaeng manloloko, babaeng di marunong makuntento. Minsan naiiyak ako sa mga kalokohan na ginagawa ko pero ano pa bang magagawa ko e masaya ko doon, pero may taong mahal na mahal ako tapos sasaktan ko lamang? Nagayon ko lang naisip na mahirap pala talagang malagay sa isang sitwasyon na iyon.
No comments:
Post a Comment