Ni : Angelie C. Enriquez
Sa eskwelahan ay laging napapansin,
Ang iyong mga mata’y laging nakatingin.
May nais bang sabihin bawat titig?
Munting sulyap, ano ba ang pahiwatig?
Sa bawat tingin puso ko’y naninimdim,
Maamo mong mukha ay puno ng lihim.
Hinay- hinay lang sa iyong pagtingin,
Baka ang aking puso’y iyong bihagin.
Sa iyong mga tingin ako’y nahulog na,
Ngunit sa iyong puso’y meron ng iba.
Pinaasa mo lang ang aking damdamin,
Anung dahilan upang ako’y biguin?
No comments:
Post a Comment