my playlist

Monday, October 4, 2010

Ikaw Pa Rin

by: Maricris A. Verdillo
BSIT2E-G2               

                    Pag-ibig o ang pagmamahal ang isa sa pinakamahalagang bagay dito sa ating mundo. Ngunit  anu nga ba ang kahulugan ng salitang Pag-ibig? Ang Pag-ibig ay nararamdaman nating lahat. Ito ay ang pagpapahalaga sa mga taong nakapaligid sa atin. Pagbibigay respeto at pagmamahal sa kanila. Bawat isa sa atin, siguro naman ay may karanasan na sa bagay na ito. Mayroong mga taong masaya dahil sa pag-ibig, pero may mga tao din namang nalulungkot o nagdadalamhati dahil din dito. Gusto ko sanang ibahagi sa inyo ang isang karanasan na aking napagdaanan at ngayon ay isang parte nalang ng aking nakaraan.
                Maraming nangyari sa akin noong nakaraang taon. Nagsimula akong tumuntong ng kolehiyo. Maraming nakilala at naging kaibigan. Maraming nakasalamuhang iba’t-ibang klaseng tao. Dito nag-umpisa ang lahat. May nakilala akong tao. Naging magkaibigan kami at naging close. Magkatext kami lagi at ayon kalaunan naging official girlfriend/boyfriend kami. Sa una masaya, nakakainspired mag-aral at syempre blooming araw-araw.haha. Pero tama nga sila. Sa una lang lahat iyan. Dumating yung point na nagkakalabuan na kami. Nahihirapan na ako sa situwasyong namin. Hindi ko alam sa mga panahong iyon kung pareho kami ng daing. Dahil sa napamahal na din ako sa kanya, ayaw ko siyang mawala. Kinausap ko siya. Hindi ko karaniwang ginagawa iyon sa isang tao dahil hindi naman ako masyadong open sa nararamdaman ko. Naglabas ako ng lahat ng sama ng loob ko sa kanya. Lahat-lahat. Ang sarap pala sa pakiramdam pg nasabi mo sa isang tao ang gusto mong sabihin. Yung pakiramdam na naiwasan mong sumabog ang puso mo sa sobrang sama ng loob mo pero naiwasan mo.haha. Matapos iyon ay naging maayos muli ang lahat. Bumalik sa dati at humigit pa doon. Makalipas ang ilang buwan, parang nawawala na yung feelings ko sa kanya. Nawala yung tinatawag nilang “spark?”  nilang tinatawag. Naging malabo na ang lahat. Hanggang sa may isang pangyayaring dumating sa  aking buhay at binago nito ang lahat. May nakilala akong isang tao na sobrang magpahalaga sa taong mahal niya. At naramdaman ko iyon. Nagkakilala kami sa text. Nagtext siya sa akin. Naging malapit kami sa text hanggang sa isang araw, sa hindi sinasadyang pagkakataon, nagkakilala kami. Siya ang may hawak sa amin sa isang organisasyon. Nagpakilala kami isa-isa. Noong nagpakilala na ako parang napaisip siya. Ako naman nagtaka ako dahil hindi ko naman alam na siya na pala yung katext ko. Nalaman ko nalang noong bandang huli na siya pala iyon. Naamaze lang ako dahil sa dami-daming pwedeng humawak sa amin siya pa ang talagang natapat. Eto ba ang tinatawag nilang destiny? Anyways, simula noon naging mas malapit pa kami sa isa’t-isa. Lalo na noong nagkaroon isang gathering, may nakilala akong babae. Ang pangalan niya ay Elaine. Naging magkaibigan kami at nagkataon naman na ang boyfriend niya ay kasamahan ni guy2. So para talagang pinaglalapit kami ng tadhana. Kahit na sa panahon na iyon ay kami pa rin ni boyfriend at hindi alam ni guy2 na may boyfriend ako. Itinago ko iyon sa kanya. Hanggang sa isang araw, sabay kaming umuwi ni boyfriend. Gusto niya akong ihatid sa amin pero sabi ko huwag na. Pumayag siya. Ang hindi niya alam kaya hindi ako pumayag dahil kasabay ko sa guy2 na umuwi. Habang naglalakad kami ni guy2, nakita ko si boyfriend patawid pa lang ng kalsada. Bigla akong humiwalay sa kanya. Nagtago ako para hindi ako makita ni boyfriend. Hinintay ko munang makalayo si boyfriend bago kami magpatuloy sa paglalakad. Buti nalang hindi kami nakita ni boyfriend. Nagtagal ito ng isang lingo at umabot na ito sa isang desisyon. Desisyon na babaguhin ang lahat. Namili na ako sa kanila at ang aking pinili ay si guy2. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit nakipaghiwalay na ako kay boyfriend. Nagpasiya na din akong hiwalayan siya dahil hindi na maganda ang takbo na aming relasyon. Parang wala na lang. hindi na ako masaya. Hindi ko sinasadyang masaktan siya sa desisyon kong ito. Sa kabilang banda, naging Masaya naman akong kasama si guy2. Sobrang saya para sa akin. Noon ko lang naramdaman iyong feeling ng ganon. Special ang turing naming sa isa’t-isa. Parang kami pero hindi official. Ang sweet-sweet namin. Hanggang sa magbakasyon at magpasukan ulit. Nandoon pa din ang komunikasyon naming sa isa’t-isa pero malimit na. Nagtaka ako. Bakit ganon ang nangyayari? Gusto ko siyang kausapin pero wala siyang oras. Hindi na rin siya nagrereply sa mga text ko. Nasabi ko nalang sa sarili ko, ay iba na ‘to. May maling nangyayari. Isang araw lumapit ang kaibigan kong si Elaine sa akin. Sabi niya sa akin nakita niya si guy2 na may kausap na babae. Tumingin daw sa kanya si guy2 na parang ala lang. Nakalimutan niyang kaibigan ko si Elaine. Ang sakit, sobrang sakit sa pandinig at bigat sa pakiramdam na malaman na kaya pala ganon siya ay dahil may ibang babae na siya. Punong-puno ako ng galit at hinanakit sa kanya. Hindi ko akalain na magagawa niya iyon sa akin. Pero nangyari na ang lahat. Kailangan ko na lang tanggapin na wala na talaga. May iba na siya.
                Kung minsan, may mga bagay talaga sa mundo na kahit planuhin mo nang husto at gawing pulido, posible pa ding maging komplikado’t magulo. Pero kahit na laging komplikado at magulo ang lahat, noong nakita ko ulit siya(guy2) walang pinagbago iyong nararamdaman ko sa kanya. Kahit nang iwan siya sa ere, masasabi kong mahal ko pa din siya. Sabi nga sa kanta: ikaw pa rin ang hinahanap ng puso, ikaw pa rin ang siyang laman ng isip ko, ayoko na sana ngunit ang sigaw ng damdamin ko ay IKAW PA RIN. Iba talaga pag minahal mo ng totoo ang isang tao. Kaya mong magmove-on pero mahirap palang mag let go.




No comments:

Post a Comment