Tatlong taong gulang pa lang ako noon ng ang aking mga magulang ay naghiwalay at n gang aking ina ay ngpunta sa ibang bansa at ang aking ama naman ay masaya sa kanyang bagong pamilya. Ngayon ako ay nakatira sa aking lola na siyang nagpalaki sa akin ng ako’y tatlong taong gulang pa lang hanggang sa ngayon. Hindi mo aakalain sa akin na ganito pala ang aking buhay.
Monday, October 4, 2010
“PAGMAMAHAL NG ISANG ANAK SA KANYANG MAGULANG SA KABILA NG KANYANG NAKARAAN”
ni CZARMAINE P HERNANDEZ
Sinisisi ko ang aking ama na kaya hindi ko nakasama ang aking ina ay dahil sa kanya at dahil kahit kalian ay hindi niya kami minahal, pero habang ako’y lumalaki ay unti-unting ipinapaliwanag sa akin ng aking ina ang lahat ng katotohanan, at sabi pa ng aking ina sa akin na mas lalo ko pang maiintindihan ang sitwasyon kapag siya ay umuwi na at lalo na dawn a kapag ako ay nag asawa na. sabi ko naman sa aking ina na hindi ako hahanap ng mapapangasawa na tulad ng aking ama na iiwan lang kami sa ere na parang walang responsibilidad dahil ayokong maransan ng aking magiging anak ang aking naranasan sa aking ama. Hindi mo maiaalis sa akin ang malaking hinanakit ko sa kanya. Ang bigat sa pakiramdam na tuwing may makikita akong buo na pamilya naiinggit aq, naiinis pa nga ako minsan kasi bakit ako pa bakit hindi na lang sila. Naiiyak na lang ako minsan kahit mag isa lang ako.Minsan iniisp ko masama ba ako? Bakit ba nabuhay pa ako s amundong ito kung hindi rin naman ako masaya na hindi ko kapiling ang aking mga magulang. Kahit masakit para sa akin na intindihin at tanggapin ang lahat ng ito Nagpapasalamat pa rin ako s aaking ina na lagging nandyan para sa akin at handa akong ipaglaban ng patayan kanino man at sino man ang umapi sa akin at siya din ang nagpakahirap maghanapbuhay at magpakapagod para makapagtapos ako ng aking pag aaral. Nagpapasalamat ako sa aking lola na nag aalaga sa akin at nagtitiyaga sa kapasawayan ko,kakulitan at kung anu-ano pa at siya din ang nagbibigay payo at magagandang asal sa araw-araw na ginawa ng Poong Maykapal.At sa aking ama salamat at ginawa ninyo ako kahit na iniwan mo kami sa ere ng aking ina. Ito lang masasabi ko ang hirap maging “Broken Family”. Pero kahit ganoon kailangan kong itaguyod ang aking pamilya at “MAHAL NA MAHAL KO ANG AKING MGA MGULANG AT ANG AKING LOLA, IPINAGMAMALAKI KO KAYO,KAYO ANG BUHAY KO!”.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment